Showing posts with label Xander. Show all posts
Showing posts with label Xander. Show all posts

Sunday, November 6, 2011

"The Confused Nurse" | Mga Kwento Sa Banga ni Sir X

Kapag magulang ang nagdikta, may lakas ka ba ng loob para salungatin sila? Yan ang tema ng ating podcast ngayong linggo, tampok ang Mga Kwento sa Banga ni Sir X segment ng Kulitis, The Podcast.

Halina't pakinggan natin ang istorya ng buhay ni The Confused Nurse at ang kanyang madamdaming pagninilaynilay ukol sa kung ano nga ba ang kanyang mamarapating sundin-- ang dikta ng magulang o ang nilalaman ng kanyang puso't damdamin?


Ano nga ba ang gagawin ninyo, mga kakulitan, kung kayo ang nasa sitwasyon ni The Confused Nurse? Maaring madali lang para sa iba, pero sadyang may mga bagay na kahit gaano man kasimple sa paningin ng ibang tao, ay lubhang napakahirap namang tahakin para sa iba sa atin.

Hango sa orihinal na lathalain, sana ay kapulutan natin ng aral ang mga payo ni Sir X sa madamdaming liham ni The Confused Nurse...

Friday, October 21, 2011

Huli Man Daw At Magaling, Sinungaling Pa Rin

Tampok sa pangalawang kabanata ng Kulitis, the Podcast ay mula parin sa panulat ni Xander ng aboynamedxander.com. Hango sa parehong pamagat, ito ang istorya nina Adonis at Angelo, at ang nakakapigil hingingang conversation sa pagitan ni Adonis at ng kanyang nanay.

Alamin kung ano ang kahihinatnan ng kwento at kung saan napunta ang nawawalang gunting, dito sa "Huli Man Daw At Magaling, Sinungaling Pa Rin" mula sa Mga Kwento sa Banga ni Xander.




Monday, October 17, 2011

"The Fierce Mistress" | Mga Kwento Sa Banga ni Xander

Para sa aming unang podcast ay tampok ang blogger na si Xander ng aboynamedxander.com. Inilathala dito ang istorya ni "The Fierce Mistress". Alamin ang kwento ni The Fierce Mistress mula sa Mga Kwento Sa Banga....