Sunday, November 6, 2011

"The Confused Nurse" | Mga Kwento Sa Banga ni Sir X

Kapag magulang ang nagdikta, may lakas ka ba ng loob para salungatin sila? Yan ang tema ng ating podcast ngayong linggo, tampok ang Mga Kwento sa Banga ni Sir X segment ng Kulitis, The Podcast.

Halina't pakinggan natin ang istorya ng buhay ni The Confused Nurse at ang kanyang madamdaming pagninilaynilay ukol sa kung ano nga ba ang kanyang mamarapating sundin-- ang dikta ng magulang o ang nilalaman ng kanyang puso't damdamin?


Ano nga ba ang gagawin ninyo, mga kakulitan, kung kayo ang nasa sitwasyon ni The Confused Nurse? Maaring madali lang para sa iba, pero sadyang may mga bagay na kahit gaano man kasimple sa paningin ng ibang tao, ay lubhang napakahirap namang tahakin para sa iba sa atin.

Hango sa orihinal na lathalain, sana ay kapulutan natin ng aral ang mga payo ni Sir X sa madamdaming liham ni The Confused Nurse...

Sunday, October 23, 2011

Kulitan sa Talahiban featuring Jason Hamster

Sa aming episode na ito ng Kulitis, the Podcast ay tampok ang bagong host at bagong segment. Ang isa sa mga programa na matutunghayan nyo sa Kulitis at pinamagatang "Kulitan sa Talahiban" hosted by Bibong-bibong B.

Sa unang episode ng kanyang mini talkshow ay tampok ang isa sa mga active bloggers ng U-Blog at isa siguro sa mga pinakabata. Siya ay walang iba kundi si Jason o mas kilala na Jason Hamster sa blogosphere. Hango ito sa original na post ni Bino Bautista ng damuhan.com na nabibilang sa kanyang Featured Blogger of the Week ng kanyang blog.

Kilalanin natin si Jason sa podcast na ito ng Kulitis..



Friday, October 21, 2011

Huli Man Daw At Magaling, Sinungaling Pa Rin

Tampok sa pangalawang kabanata ng Kulitis, the Podcast ay mula parin sa panulat ni Xander ng aboynamedxander.com. Hango sa parehong pamagat, ito ang istorya nina Adonis at Angelo, at ang nakakapigil hingingang conversation sa pagitan ni Adonis at ng kanyang nanay.

Alamin kung ano ang kahihinatnan ng kwento at kung saan napunta ang nawawalang gunting, dito sa "Huli Man Daw At Magaling, Sinungaling Pa Rin" mula sa Mga Kwento sa Banga ni Xander.




Monday, October 17, 2011

"The Fierce Mistress" | Mga Kwento Sa Banga ni Xander

Para sa aming unang podcast ay tampok ang blogger na si Xander ng aboynamedxander.com. Inilathala dito ang istorya ni "The Fierce Mistress". Alamin ang kwento ni The Fierce Mistress mula sa Mga Kwento Sa Banga....


Kulitis Podcast now LIVE!

Hello bloggers! Samahan nyo kami sa pagtuklas ng mga kwento ng buhay ng mga bloggers. Isa isa naming itatampok ang mga posts nyo. SanaĆ½ tangkilin nyo ang aming programa at buhayin ang mundo ng Pinoy Blogosphere.

Cool it is!! Para sa mga talented Pinoy Bloggers.

WANT YOUR POST FEATURED?
Just leave a comment (http://kulitispodcast.blogspot.com/) or send us a tweet @kulitispodcast.

DISCLAIMER: No insult intended, purely imaginative and creative rendition.