Sunday, November 6, 2011

"The Confused Nurse" | Mga Kwento Sa Banga ni Sir X

Kapag magulang ang nagdikta, may lakas ka ba ng loob para salungatin sila? Yan ang tema ng ating podcast ngayong linggo, tampok ang Mga Kwento sa Banga ni Sir X segment ng Kulitis, The Podcast.

Halina't pakinggan natin ang istorya ng buhay ni The Confused Nurse at ang kanyang madamdaming pagninilaynilay ukol sa kung ano nga ba ang kanyang mamarapating sundin-- ang dikta ng magulang o ang nilalaman ng kanyang puso't damdamin?


Ano nga ba ang gagawin ninyo, mga kakulitan, kung kayo ang nasa sitwasyon ni The Confused Nurse? Maaring madali lang para sa iba, pero sadyang may mga bagay na kahit gaano man kasimple sa paningin ng ibang tao, ay lubhang napakahirap namang tahakin para sa iba sa atin.

Hango sa orihinal na lathalain, sana ay kapulutan natin ng aral ang mga payo ni Sir X sa madamdaming liham ni The Confused Nurse...

2 comments:

Xprosaic said...

Hangkulet lang... English nga! LOL... Kaso mas makulet ang callers... Ibang iba ang boses nila ah... LOL

Xander said...

hahahaha ngayon ko lang nabasa to.. san ka na Kulitis.. Bumalik ka na.. hehehehehe